Tradisyunal na Kasal

Ang tradisyunal na kasalang Pilipno ay nagsisimula sa “pamamanhikan”, kung saan naghaharap sa isang munting salu-salo ang pamilya ng lalaki at babae na nagnanais na maikasal kasama rito ang paghahain ng kakaning malagkit na sumisimbulo sa malagkit na pagsasama ng ikakasal at pamilya nito. Pinangungunahan ng matatandang kamag-anak (Lolo, Lola o Panganay na Tiyo o Tiya), pinag-uusapan dito ang mga detalye ng magaganap na kasalan; kung kalian (madalas na itanatama sa petsa na kabilugan ng buwan), saan gaganapin ang kasalan, at ang mga hangganan ng mga gastusin ng bawat pamilya.

Kasama din sa pamamanhikan ang pagbibigay ng lalaki ng dote (maaring lupa, kalabaw, kabayo, mahahalagang bagay o salapi) para sa pamilya ng babae. Matapos ang pamamanhikan, maiiwan ang lalaki sa bahay ng babae upang magsilbi o manghinuyo. Ang pagsisibak ng kahoy, pagsalok ng tubig, pagtulong sa mga gawain sa bukid, pangingisda o di kaya naman ay mangangaso ang madalas na gawain ng lalaki habang nanghihinuyo. Bagaman nasa tahanan ng babae ang lalaki, hindi sila maaring matulog ng magkatabi hangga’t hindi ikinakasal.


Sa bispiras ng kasal, inaayos at pinagagandang mabuti ang bahay ng babae. Itinatayo ang Ramada o Pala-pala (lugar kung saan may lilim na gawa sa dahon ng niyog at kawayan). Ito rin ang lugar kung saan idaraos ang sayawan matapos ang kasalan. Sa ilang probinsya, madalas isinasagawa ang “Lipat”, o ang paghahakot ng lahat mga pagkain, rekado at kagamitan sa pagluluto mula sa bahay ng lalaki papunta sa isang pansamantalang kusina sa bahay ng babae.

Sa araw ng kasal, kadalasang isinusuot ng lalaki ang Barong Tagalog at Baro’t Saya naman sa Babae. Inihahatid ang babae ng kanyang ama patungo sa harap ng altar kung saan naghihintay ang lalaki. Pagdating ng babae sa harap ng altar ay magalang na kukuhanin ng lalaki ang kamay ng babae mula sa kamay ng ama nito. Pinangungunahan ng Babaylan o Pari ang seremonya ng misa.


Matapos ang seremonya, masayang sinasalubong ng mga kaanak, kaibigan at mga nagsidalo ang bagong mag-asawa. Hinahagisan sila ng barya, bigas at mga talutot ng bulaklak.

Pagadating sa tahanan masayang ipinagbubunyi ang bagong kasal. Isa sa pinaka-aabangan ay ang pagsasayaw ng lalaki at babae na tinatawag na Parwad o ang pagsasabit ng perang papel sa damit ng mga ikinasal habang sila ay nagsasayaw. Ang salaping makukulekta ay unang “ipon” ng mag-asawa upang pagsimulan nila nang maayos na buhay. Naglilibot din ang bagong kasal tangan ang bote ng alak upang painumin ang mga panauhin na nagaabot naman ng pera sa abot ng kanilang makakaya.


Matapos aang kasiyahan, iiwan na ng bagong kasal ang mga bisita upang magtuloy sa kanilang Pulot Gata o ang kanilang unang gabi biilang mag-asawa. Magkasabay na pumapanhik ang mga bagong kasal sa kanilang magiging tirahan hawak ang kandilang may sindi. Sinasabing kapag maunang humakbang ang babae, magiging hawak ng babae sa lee ang lalaki.


The traditional Filipino wedding begins with a “pamamanhikan” or supplication were in both families of the bride and groom will attend a banquet that includes sacrificial adornments that symbolize the marital union of their marriage and family. Led by older relatives (Grandpa, Grandma or First-Step-Grandmother or Aunt), the details of the wedding will be discussed  like the date of the wedding which is usually scheduled on the full moon of the month, the venue of the event, and both party’s expenses. The ceremony also includes the giving of groom’s dowry (whether a land title, buffalo, horse, valuables or cash) to the bride’s family. After the supplication, the groom is left at the bride’s house to serve the family. Chucking down wood, collecting water, helping with farm work, fishing or otherwise hunting is the most common male activity while living with the female’s family. Although the groom is in the bride’s home, they cannot sleep together unless they get married.

On the eve of the wedding, the bride’s house is renovated. Ramada or Pala-pala is constructed, where shades of coconut and bamboo leaves are built as shelter. This place serves as the main wedding hall where the dance will be held after the wedding. In some provinces, “lipat” is often carried out, were all the food, ingredients, seasoning and even cooking utensils from the male’s home will be delivered to a temporary kitchen in the female’s home.

On the day of the wedding, the groom usually wears Barong Tagalog and Baro’t Saya for the bride. The father of the bride will take her to the altar where the groom is waiting. When the bride reach the altar, the groom would respectfully take the bride’s hand from her father’s. The Babaylan or Priest presides over the mass ceremony.

On the reception, the newlyweds will welcome their relatives, friends and attendees. They were tossed with coins, rice and flower corals. One of the much awaited part of the celebration is the couple’s first dance called Parwad or the fastening of bills on the wedding gown as they dance. The money that will collected will serve as the couple’s first “savings” so they can start living well. The couple will also pass along drinks to entertain guests who in return will give money.

After the festivities, the couple will leave the guests to spend their honeymoon or their first night together. At the same time, newlyweds will climb into their home holding a lit candle. It is said that when the bride first steps in the house, she will, in turn be the boss of the house.

Photo Source: John Tewell
Colorized by: Bilog Bilugan


Shopping Basket