Noong nangyari ang Battle of Manila noong 1945, kasama sa nawasak ang lumang Pambatasang Gusali (Legislative Building). Malaking bahagi ng gusali ang nawasak at madami sa istraktura nito ay hindi na maayos.

Matatagpuan sa Padre Burgos Avenue sa Ermita, Manila, nagpatuloy bilang tahanan ng Kongreso ng Pilipinas ang gusali hanggang sa deklarasyon ng batas militar noong 1972. Dito na inilipat ang ilang mga tanggapan ng gobyerno noong panahon ni Marcos, tulad ng mga Punong Ministro ng Pilipinas, Ombudsman , Sandiganbayan at National Museum.
Naitatag muli ang kongreso noong 1987, bagaman ang gusali ay inilaan na upang maging Pambansang Museo ng Pilipinas, kasama na din dito ang National Art Gallery.


Noong Setyembre 30, 2010, idineklara ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas (National Historical Commission of the Philippines) ang gusali bilang isang “National Historical Landmark” alinsunod sa Resolusyon No. 8 (30 Setyembre, 2010). Isang marker ang itinayo upang gunitain ang deklarasyon nito na ginanap noong Oktubre 29, 2010.