Instik sa Pilipinas

Bago pa dumating sa Pilipinas ang iba pang dayuhan, nangangalakal na ang mga Pilipino at Tsino mula pa noong ika-9 na siglo. Noong  982 AD, naitala ang kauna-unahang na ekspedisyon ng Tsina sa Pilipinas, bagaman sinasabi sa ibang kwento na nakikipagkalakalan na ang mga dayuhang Tsino sa mga karatig isla noong ika-2 siglo AD pa. Makalipas ang ilang dekada, naging madalas na ang pagdaong ng mga mangangalakal na Tsino sa mga baybayin ng Luzon, Mindoro at Sulu.  Ginto umano ang pangunahing negosyo sa Butuan kaya nagtayo ng maliliit na komunidad ang mga Intsik sa Maynila at sa Jolo. Hanggang sa dumating ang 1100 AD at nagsimula na din mangangalakal ang mga negosyante galing ng India, Borneo, Sumatra, Java, Siam (ngayon ay Thailand) at Japan.


Ayon sa mga sinaunang Intsik, “seng-li” ang bansag sa kanila na ang ibig sabihin ay “mangangalakal”, na kalaunan ay tinawag silang “sangley” ng mga Kastila. Hango ito sa salitang Hokkien na “seng-di” o “seng-li” na ibig sabihin ay “negosyo”. – Mempin 2009  

Nagsimula sa lamang sa palitan ng produkto, di nagtagal marami sa mga negosyanteng Intsik ang tumira na rin at gumawa ng maliliit na komunidad sa Luzon at sa Visayas, na nang lumaon ay nagsilbi na din bilang mga barangay, o di kaya bahagi na ng malaking parte ng mga lungsod sa bansa; tulad ng pinakalumang Chinatown sa buong mundo na matatagpuan sa Binondo. 


Nang dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas noong 1571, sinasabing may iilang komunidad na ng mga Tsino na ang nakatira sa paligid ng Maynila, karamihan sa kanila ay mangangalakal. Kasabay nito ang pagbibigay nila ng serbisyo sa mga Pilipino tulad ng pag-aahit o pagugupit ng buhok ng mga barberong may dalang upuan at humihinto kahit saan upang mapaunlakan ang mga parokyano, o ang sikat na paglilinis ng tainga ng mga Intsik katumbas ng isa hanggang dalawang sentimo.    

Isang magandang tanawin ng pagkakaibigan, nakapostura ang mag-inang Pilipino, kasama ang dalawang Amerikano at kanilang mga kaibigan Tsino para sa isang larawan na kinuhanan noong 1900.


Long before other countries came in the Philippines, native Filipinos and Chinese merchants have been doing interactions since the 9th century. AD 982 was the first recorded Chinese expedition to the Philippines though some early histories say that the Chinese were the first foreigners to do business with the islands they as early as the 2nd century AD. Within a few decades, Chinese traders were regular visitors to towns along the coasts of Luzon, Mindoro and Sulu.  Around AD 1100, India, Borneo, Sumatra, Java, Siam (Thailand) and Japan were also running trades with locals. Gold was by then big business in Butuan (on the northern coast of Mindanao), Chinese settlements had sprung up in Manila and on Jolo.

The Chinese said they were seng-li (or xang lai), which meant “we are traders” (Gardner). The Spanish eventually called them Sangley, which is derived from the Hokkien word seng-di or seng-li meaning “business” (Mempin, 2009) – (www.studymode.com/essays/a-Brief-History-Of-The-Chinese)

Initially commenced as bartering and item exchanges done on Chinese sampans, many merchants subsequently created settlements in Luzon and in the Visayas, some of which became the biggest and most powerful barangays, or city-states in the country; like the world’s oldest Chinatown, Binondo.

When the Spanish arrived in 1571, a population of Chinese was already around the popular Manila area, many of them were traders in Chinese merchant ships. Other services were also offered to Filipino residents like a shave or a hair-cut by barbers carrying a chair and stopping any place to accommodate customers; or the popular Chinese ear-cleaning for a cent or two.

A spectacle of camaraderie, two Americans and their Chinese and Filipino friends posing for a group portrait taken in the 1900s.

Photo Source: University of Michigan
Colorized by: Bilog Bilugan


Shopping Basket