Noong 1904 hanggang 1911, isang sikat na panlibangan na parke na ginanap sa Coney Island, Brooklyn, New York City na tinatawag na Dreamland. Ang 15 ektaryang lupain na ito na binuksan noong Mayo 15, 1904, na nagtampok ng iba’t-ibang klase ng eksibisyon tampok ang iba’t ibang kultura at pamumuhay na hango sa tunay na buhay, mga arkitektura, at iba pang edukasyong pagtatanghal, kasama na dito ang masasayang sasakyang pambata.

Nang sumapit ang 1909, isang pangkat ng tribo ng Igorot kasama na ang ilang kababaihan at mga bata, bitbit lamang ang ilang mga makukulay at magarbong damit, ang dumating sa parke upang itampok bilang eksibit ng mga tunay na tao at dramatikong nilang pamumuhay bagaman ayon pa din sa kanilang kasanayan. Sa kasamaang palad, ang parke ay natupok ng apoy noong 1911.
