Bayanihan

Ang Bayanihan ay isang ugaling Pilipino na nagmula sa salitang “bayan” na ang literal na ibig sabihin ay “maging kasapi sa iisang pamayanan”, na tumutukoy sa diwa ng pakikipag-isa sa komunal, trabaho at pakikipagtulungan upang makamit ang isang partikular na layunin sa komunidad.

Nasugbu, Batangas (1972)

Ang konsepto ng Bayanihan ay orihinal na sinusunod sa mga lugar sa kanayunan, kung saan pinapakiusapan ang mga lalaki na tumulong upang buhatin ang isang tradisyunal na bahay na tinatawag na “bahay kubo”, ng isang pamilya na lilipat sa bagong lugar. Ang paglipat ay hindi lamang sangkot ang mga personal na gamit ng pamilya kundi ang mismong paglipat ng buong bahay. Mga 15-30 na kalalakihan ang karaniwang nagdadala ng bahay, gamit ang kawayan na nakatali sa ilalim ng patayo at pahalang, hanggang sa sama-sama nilang inaangat ang bahay sa mabagal at tuluy-tuloy na lakad hanggang marating nila ang bagong lokasyon. Bilang isang tanda ng pasasalamat, ang pamilya ay naghahain ng pagkain at inumin sa mga kalalakihan, at madalas ay natutuloy sa kaunting kasiyahan na tinatawag na “tagay” na karaniwang pagtitipon ng mga Pilipino.

Bagaman sa panahon ngayon, bukod sa mga pagbabago sa ating kapaligiran, mas maraming mga lugar sa kanayunan ang umaangkop sa mga pagpapaunlad sa imprastraktura, kasabay na din ang maraming modernong makinarya na ginagamit upang mapadali ang trabaho ng mga tao. Gayundin, hindi natin maitatanggi ang mga pagbabago sa ugali at pakikitungo ng mga tao, dahil na din marahil sa mga hindi maiiwasang hamon  na kinakaharap natin sa mundo ngayon. Sa madaling sabi ay mas mahirap ng lumikha at magpanatili ng isang komunidad na nagkakaisa at may iisang patunguhan sa buhay.

Mambajao, Camiguin (1951)

Gayunpaman, ang diwa ng Bayanihan ay buhay pa rin at naipapakita hindi lamang sa pamamagitan ng pagbuhat ng isang bahay kundi sa iba pang gawain. Ang larawang ito ng Bayanihan ay maaaring hindi literal na isinasagawa, ngunit ang salita ay lumago mismo sa isang modernong kahulugan ng pagtutulungan, kabaitan at dalisay na gawa ng sangkatauhan na napaka-pangkaraniwan para sa mga Pilipino. Ang kahulugan ay nananatili sa karamihan ng mga Pilipino hindi lamang dito sa bansa kundi sa iba pang mga bahagi ng mundo. Ipinakita ito sa maraming anyo lalo na sa mga oras ng kalamidad at sakuna. Lalabas at lalabas ang Pilipino upang tumulong ng kanilang mga kababayan at sinumang nangangailangan ng tulong.

Ang kahulugan ng Bayanihan ay isa sa maraming magagandang katangian ng mga Pilipino na dapat nating maipagmamalaki. Kailangan lamang natin itong muling isapuso at patunayan ang mismong kahulugan nito.


Bayanihan is a Filipino trait derived from the word “bayan”, which means nation, town or community. The term Bayanihan itself literally means “being in a community”, which refers to the spirit of communal unity, work and cooperation to achieve a particular goal with in the community.

The concept of Bayanihan is originally observed in rural areas, wherein the town’s people, specifically  men were asked to lend a hand, predominantly by lifting a traditional house called a “bahay kubo”, of a family who will move into a new place or address. The relocation does not only involve moving the family’s personal belongings but the transfer of the family’s entire house. About 15-30 men usually carry the house with bamboo poles tied under vertically and horizontally, and together the men move in slow steady synchronous phase until they reach the house’s new location. As a token of gratitude, the family serves food and refreshment to the volunteers, and/or sometimes end up drinking booze commonly called as “tagay” in Filipino social gatherings.

Though in reality nowadays, aside from the drastic change in our environment, more rural areas are adapting in infrastructure developments and a lot of modern machineries are being used to take the load of work from the humans. Thus we can’t also deny the fact that there is a change in our people’s attitude and disposition. Due to the unprecedented challenges we are facing in the world today, it is explicably harder to create and sustain a unified community with a single philosophy in mind.  

Hence, the spirit of Bayanihan is still alive and is shown not just by lifting a house but in other forms as well. This picture of Bayanihan may not literally being practiced any longer, but the act itself has grown into a modern sense of teamwork, kindness and pure act of humanity which is very common for Filipinos. The spirit lives on among most Filipinos not just here in the country but in other parts of the world. It is being demonstrated in many forms especially in times of calamities and disasters. Filipinos will go out of their way to help their Kababayans and anyone who needs help.

The Bayanihan spirit is one of many beautiful traits Filipinos uniquely own and can be proud of. It’s only a matter of reviving it and cherishing its most authentic meaning.

Photo from Color in History [Exhibit], August 2016
Collection: Filipinas Heritage Library | www.retrato.com.ph

Photo Source John Tewell
Colorized by: Bilog Bilugan


Shopping Basket