Baha sa Maynila

Ang pagbabaha sa Maynila ay problema na simula pa noong 1900. Masasabing mababa umano ang kapatagan ng lupa nito na halos kapantay sa baybaying dagat, dahilan upang tumaas ang lebel ng tubig,  kasama pa ang kakulangan ng sistema sa kanal at ang problema sa basura at iba pang sanhi na gawa ng tao.


Maliban sa antas ng lupa, matatagpuan ang Pilipinas sa hilaga silangang hemispheres, timog-silangang baybayin ng Asya, kanlurang ng karagatang Pasipiko, at napapalibutan ng iba’t ibang katawang tubig katulad ng Philippine Sea, Celebes Sea, Sulu Sea at West Philippine Sea. Ang posisyon kung nasaan tayo ay sadyang madalas daanan ng mga bagyo na sanhi naman ng pagbabaha.


Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), mayroong average na 20 na bagyo na pumasapasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) bawat taon. Noong 2010, iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na ang bagyong tropical “Ondoy” na dumaan noong 2009 ay nagdala ng matinding pagbaha sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan na kumitil sa higit na 464 katao, 529 sugatan at 37 na nawawala. Walong araw makalipas ang Ondoy, ang bagyong Pepeng naman ang humampas sa Hilagang bahagi ng Luzon, na  nag-iwan ng 465 patay, 207 sugatan at 47 na nawawala.


Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay nasa ikatlo sa mga bansa na nanganganib sa mga sakuna, kabilang ang baha, bagyo, at lindol. Sa nagdaang 30 taon, mahigit sa 360 na sakuna ang dumating sa Pilipinas, na may kabuuang pagkamatay na 33,000 katao, at nakakaapekto sa 120 milyong katao. Sa kabuuan, ang mga bagyo at pagbaha ang isa sa pinakasanhi ng pagkasira ng mga komunidad at ekonomiya, 80% ng lahat ng pagkamatay, 90% ng kabuuang bilang ng mga apektadong tao, at 92 porsyento ng kabuuang epekto sa ekonomiya. 


The Philippines is located in both the northern and eastern hemispheres, positioned off the southeastern coast of Asia, and surrounded by the Pacific Ocean, and many smaller bodies of water including the Philippine Sea, Celebes Sea, Sulu Sea and West Philippine Sea, which is why it is said that the country is prone to natural calamities. Throughout our history, the country has been braved by floods often triggered by typhoon.

According to the Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), there are an average of 20 typhoons that passes the Philippine Area of Responsibility (PAR) every year. In 201, the National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) reported that tropical storm “Ondoy” brings massive floods to Metro Manila and neighboring provinces that killed more than 464 people, with 529 injured and 37 missing. Eight days after Ondoy, typhoon Òpepengó lashes the Northern part of Luzon, leaving 465 dead, 207 injured and 47 missing.

The World Bank recently reported that the Philippines ranks third among countries most at risk for disasters, including floods, storms, and earthquakes. In the past 30 years, more than 360 disasters struck the Philippines, with a total death toll of 33,000 people which affected 120 million people. Typhoons and floods are the most devastating in terms of their economic and social impact, accounting for 80 percent of all deaths, 90 percent of the total number of affected people, and 92 percent of the total economic impact. 

Litrato mula: University of Michigan
Kinulayan ni: Bilog Bilugan


Shopping Basket