Ang mga “Igorot” ay nagmula sa salitang ” mga taong sa bundok”, isang kolektibong tawag sa mga grupo ng etniko na naninirahan sa mga kabundukan ng Luzon, na binubuo ito ng mga tribo ng Itneg, Kalinga, Bontoc, Ifugao, Ibaloi, Kankanaey na naninirahan sa anim na probinsya ng Cordillera Administrative Region (CAR) partikular sa mga probinsya ng Abra, Apayao, Benguet, Kalinga, Ifugao, at Mountain Province, pati na rin sa mga katabing lalawigan nito.

Kilala sila sa kanilang mga paniniwala at ritwal na ginaganap sa pagsaway, kanta, tula, at iba pang sining, na sinasagawa ng matatanda simbolo ng pagpupugay at paggalang sa sang Lumikha, o sa iba’t ibang tribo sa tawag na Kabunian o Lumauig, Alawagan sa mga Isnags, Nintotongcho sa mga Bontocs, Adikaila sa mga Kankanaeys, Apo Dios, Manakabalin, Allah, at iba pa.
Maliban sa mga ritwal, kilala din ang mga Igorot ay ang kanilang mga natatanging kasuotan. Ang “bahag” ay ang habi ng damit para sa mga lalaki, na may sukat na 10 hanggang 15 pulgada ang lapad at 3 hanggang 5 piye ang haba. Sadya ang pagkakagawa ng mga ito upang takpan ang pribado parte ng mga lalaki, na mahigpit na nakatali sa baywang upang maiwasan ang pagbagsak ng damit. Ayon sa din kaugalian, walang kapares na damit pang-itaas ang mga kalalakihan upang ipakita naman ang kanilang mga tinta sa katawan o tattoo na sumisimbolo ng katungkulan nila sa komunindad.